Gawad Galing Kooperatiba - May 3 kategorya kung saan 1 kooperatiba lamang sa bawat kategorya ang pagkakalooban ng parangal, ang kooperatibang umabot sa pamantayang marka sa lahat ng aspeto at may pinakamataas na kabuuang marka:
Small Scale Category
Medium Scale Category
Large Scale Category
Gawad Galing Coop Council - Ipinagkakaloob sa mga aktibong City o Municipal Cooperative Development Council na patuloy na nagsasagawa ng mga makabuluhang programa para sa kapakanan ng mga kasaping kooperatiba at iba't ibang proyektong pampamayanan.
Gawad Pagkilala - Ipinagkakaloob sa mga kooperatibang nagtamo ng international, national at regional awards.
Special Citation - Ipinagkakaloob sa lahat ng kooperatibang kalahok sa 3 kategoryang para sa Gawad Galing Kooperatiba na hindi umabot sa pamantayang marka sa isa lamang sa mga aspeto subalit napanatili ang kabuuang markang hindi bababa sa 85%.
Trailblazing Award - Ipinagkakaloob sa lahat ng kooperatibang kalahok sa 3 kategorya para sa Gawad Galing Kooperatiba na umabot sa pamantayang marka sa lahat ng aspeto.
Hall of Fame Award - Ipinagkakaloob sa mga kooperatibang nanalo na sa 3 kategorya ng Gawad Galing Kooperatiba at napanatili ang mahusay na paglilingkod sa kasapian at pamayanan.
Cooperative Hall of Fame Award o COOP-ACE - Ipinagkakaloob sa mga kooperatibang nagawaran ng Hall of Fame Award pagkalipas ng hindi bababa sa limang (5) taon bilang pagpapahalaga dahil sa kanilang patuloy na pagpapanatili ng katangi-tanging paglilingkod sa kanilang kasapian at pamayanang kanilang kinabibilangan na nagdulot ng kaunlaran sa kabuhayan at pag-angat sa kalalagayang panlipunan.